LEGAZPI CITY – Isinagawa sa lalawigan ng Albay ang 2024 Seal of Good Local Government (SGLG) Regional Assessment and Validation.
Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) Session Hall kung saan ito ay dinaluhan ng mga department heads ng PGA, kabilang na ang Regional Assessment Team ng SGLG.
Ayon maman sa PGA, sa simula pa lamang umano, ito an ang pinaka layunin ng Provincial Local Government Unit (PLGU-Albay), na maging isang modelong probinsya sa ilalim ng good governance na mayroong effective at efficient delivery ng public services.