Nakaligtas sa pamamaril sa isang barangay hall sa Meycauayan, Bulacan.
Ayon sa isa pang testigo, tumagal ng tatlong minuto ang pagpapaulan ng bala sa Barangay Hall.
Sinabi ng Meycauayan Police na saktong rumuronda ang kanyang mga tauhan at naabutan pa ang mga suspek kaya’t humantong ito sa engkwentro.
Dead-on-the spot ang isang tanod na nasa labas ng gate.
Patay rin ang dalawang suspek matapos makapalitan ng putok ng pulis; habang sugatan naman ang isang tambay.
Sa ngayon, may sinisilip na ang pulisya na posibleng mastermind sa krimen pero hindi pa isiniwalat dahil gumgulong pa ang imbestigasyon.
Hindi naman gumagana ang CCTV ng barangay hall.