K-pop fan na groom, nag-one last look sa kanyang crush bago mag “I do!”

Ikinatuwa ng mga netizens ang huling sulyap ng groom na si Paul John Vispo  sa kanyang “bias” na stina-stan sa K-pop Group na Twice.

Bago kasi makatabi ang bride sa harap ng altar para sa kanilang wedding, nakita itong nilabas ang litrato ni “Mina” para mag “one last look” bago siya tuluyan maging ganap na “husband.”

Aniya, ito ang nagsisilbing huling sulyap niya kay Mina bilang single.

Napagalaman na ang litrato ay isang “photocard” na regalo ng kanyang asawa na si Pat bago ito maglakad sa altar.
#