Isang banko sa bayan ng San Antonio, Quezon, nilooban ng mga kawatan

Nilooban ng mga hinihinalang miyembro ng termite gang ang Landbank Easy Access Facility sa Barangay Poblacion, San Antonio, Quezon.

Ayon sa police report, bandang alas-10:00 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 25, nang madiskubre ng marketing specialist na nilooban ng mga kawatan ang nasabing bangko na kanilang pinapasukan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, pinasok ng mga suspek ang kanal at sinira ang sahig ng bangko saka tinangay ang hindi pa natutukoy na halaga ng pera.

Samantala, kasalukuyan pang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *