Isang babae, patay matapos mabanggaan ng tricycle na naganap nitong bisperas ng kapaskuhan

CAMARINES NORTE- Isang 60 anyos na babae ang  binawian ng  buhay matapos itong mabangga ng tricycle bandang 9:00 ng gabi nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2021 sa Purok 3, Barangay Guinacutan, Vinzons, Camarines Norte.

Ang biktima ay nakilalang si alyas MARY, 60 anyos at residente ng Purok- 4 Brgy. Guinacutan, Vinzons, Camarines Norte

samantalang ang driver ng motorsiklong nakabangga ay nakilalang si alyas JERRY, 24 anyos at residente ng Purok 6, Brgy. Guinacutan, ng nabanggit na bayan

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Vinzons MPS mula kay Barangay Captain Elizaldy Daniel ng Barangay Guinacutan, Vinzons Camarines Norte at ipinaalam na mayroong aksidenteng naganap sa nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang sakay ng kanyang tricycle ang suspek at bumibiyahe papuntang Labo town proper ay aksidenteng nabangga ang biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada ng mga oras na iyon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Matapos ang insidente ay agad na umalis ang suspek.

Dinala naman ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga tauhan ng MDRRMO Vinzons, ngunit idineklara itong dead-on-arrival (DOA) ng nakatalagang doktor.

Naaresto naman ang nasabing suspek ng mga rumespondeng tauhan ng PNP.

Si Alyas Jerry ay kasalukuyang nasa kostudiya na ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.