LEGAZPI CITY – Inihayag ni Dr. Fullbert Gillego, ang head ng City Health Office (CHO) Legazpi na magsasagawa ngayon araw ng pagbabakuna matapos ihinto ang pagbabakuna nitong nagdaang pasko upang makasama rin ang kani-kanilang pamilya.
Ayon kay Gillego, siyam (9) na vaccination area ang kanilang isasagawa ng pagbabakuna para sa mga pediatric at adult group.
Kasama sa mga lugar na isasagawa ng pagbakuna ng nasabing grupo ang Legazpi City Convention Center, City Health Conference room, Barangy Bogtong Covered court, Barangay Tula tula multi purpose hall, Tamaoyan, Dita, Cruzada, Lcc at Sm Mall legazpi.
Karamihan sa mga mababakunahan ang nasa 2nd dose dahil sila ang sumabay sa unang round ng National vaccination day.
Target rin ng CHO, na mabakunahan ang pediatric at adult upang mabigyan ng proteksyon laban sa nakakahawang sakit na covid 19 at omicron