Hinikayat ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko na makiisa sa mga isinasagawang aktibidad ngayong ipinagdiriwang ang National Resilience Disaster Month bilang paghahanda sa mga darating na sakuna sa probinsya.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PDRRMO Ret. Gen. Jimmy Rivera, sinimulan na nila noon pang unang araw ng buwan ng Hulyo ang isinasagawang clean-up drive sa mga kanal o daluyan ng tubig.
Nagsasagawa rin ang DPWH katuwang ang ISELCO I at II ng pagpuputol ng sanga ng mga punongkahoy na nakahambalang sa mga kable ng kuryente.
Maliban dito ay isasagawa rin ang massive disinfection sa lahat ng oipsina ng sangay ng gobyerno upang maiwasan naman ang delta COVID-19 variant.
Sa July 24 ay magkakaroon din ng bloodletting activity ang PDRRMC katuwang ang PRC Isabela at Provincial Health Office.
Sa kaparehong araw ay magsasagawa rin ng massive clean-up drive para makaiwas sa dengue lalo na ngayong panahon na ng tag-ulan.
Ayon kay PDRRMO Rivera, pangunahing inaasahan dito ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng LNB.
Nanawagan din ito sa mga residente na sundin ang ipinaabiso ng DOH na paglilinis sa kapaligiran upang maiwasan ang dengue.
Samantala, kinukumpleto pa nila aniya ang target na 1 million seedlings ng punong-kahoy at kapag nakumpleto na ito ay sisimulan na nila ang pagtatanim sa Sitio Lagis sa may Bintacan-Divilacan road.