AFP, nagpasalamat sa mga Muslim kasabay ng paggunita ng Eid al-Adha

Nagpaabot ng pagbati ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kapatid na Muslim sa paggunita ng Eid al-Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, panahon ito para magpalakas ng pananampalataya sa gitna ng iba’t-ibang mga hamon at pagsubok.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Kasabay nito, muling nagpasalamat si Gen. Sobejana sa mga Muslim na walang pag-aalinlangang tumulong sa mga biktima ng bumagsak na C-130 plane sa Sulu kamakailan.

Sinabi ni Sobejana na maliban sa ginawang sakripisyo ng mga naging biktima sa nangyaring trahedya, maituturing din nilang pag-alalay ng sarili ang mga tumulong sa rescue and retrieval operations matapos ang trahedya.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Dahil dito, tiniyak ng AFP Chief na kanilang susuklian ng walang katulad na paglilingkod ang ginagawang kabutihan ng mga Muslim sa pagtataguyod ng kapayapaan sa buong bansa lalo’t higit sa mga rehiyon sa Mindanao.