Isa umanong drug lord, nagpasabing haharap sa imbestigasyon kaugnay ng 6.7 bilyon shabu haul

Isang drug lord umano ang nagpasabi kay Sen. Bato Dela Rosa na gustong humarap sa imbestigasyon ng senado.

Sabi ni Dela Rosa, Mike Sy ang pangalan ng drug lord na gusto umanong linawin ang kanyang pangalan na hindi siya ang number 1 Chinese shabu personality sa bansa dahil may mas mabigat pa umano sa kaniya.

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Pumayag ang senador na humarap si Mike Sy dahil nais niyang malaman dito ang mga pulis na handler at protector nito pero hindi na ma-contact ang phone number nito.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Sabi ng senador, sakaling kumontak muli, ay muli niyang bubuksan ang isinara niyang pagdinig ukol sa halos isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng 6.7 bilyon kung saan nagkaroon umano ng attempted cover up dito.//CA