Nanumpa na bilang ikatlong kinatawan ng ACT-CIS Party list si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo.
Nanumpa si Tulfo sa harap ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

Ang oathtaking ni Tulfo ay kasunod na rin ng pagbasura ng Commission on Elections sa disqualification case na humadlang sa pag-upo niya bilang substitute nominee.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni House Secretary General Reginald Velasco na nauna lang ang oath-taking ngunit hinihintay pa nila ang resolusyon mula sa COMELEC bago opisyal na makaupo sa puwesto si Tulfo.//CA