Simultaneous posting of notice sa mga E-sabong kiosks at betting stations papangunahan ng Albay kasurog cops

LEGAZPI CITY- Nakatakdang magsagawa ng simultaneous posting of notice sa mga e-sabong kiosk at betting stations ang mga miyembro ng Albay Police Provincial Office.

Ito ay pangungunahan ni Albay Acting Provincial Director PCOL Bryan Tabernilla kasama ang mga religous sectors at iba pang mga stakeholders.

Ang nasabing “notice” ay paraan umano ng pulisya na bigyang babala ang mga gaming stations tungkol sa mahigpit na pagbawal na pagpapapasok ng mga menor de edad o kabataang may edad 20 pababa, na hindi pinahihintulutan ng batas na maugnay sa anumang uri ng sugal.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag pa rito, ang nasabing aktibidad ay may layunin ding paalalahanan ang mga opesyales at empleyado ng gobyerno na sila ay bahagi ng paghihigpit na ito, alinsunod sa Presidential Decree No. 1869 o mas kilala bilang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Charter, na nagbabawal sa mga government officials at employees na pumasok sa mga gambling casinos.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, isasagawa rin ang mga surprise inspections sa mga gaming stations sa nasabing lalawigan upang masiguro na patuloy ang mahigpit na pagsasakatuparan ng nabanggit na polisiya.

Naniniwala rin ang mga awtordidad na sa pamamagitan nito, mailalayo ang mga tao sa pagkakasangkot sa anumang uri ng iligal na sugal.