LEGAZPI CITY – Ang ating edeukasyon ay ang tanging yaman na hinding hindi matatapatan ng ano mang bagay, kahit saan pa tayong eskwelahan nakapag tapos ang importante ay makakuha ng degree sa kolehiyo.
Masasabi nga din na ang ating edukasyon ay ang magtutulak sa atin patungo sa magandang bukas, isang scholar sa Oas, Albay ang hindi malayong makamit ito.
Sa tulong ng Oas Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major KARLO P DY, COP katuwang ang napiling benepisyaryo ng Project Oas MPS Scholar nasi Louie B. Robusquillo ay nakapagtapos na ng kayang pag- aaral sa kolehiyo sa Kursong Bachelor in Elementary Education na nakakuha parangal ng CUM LAUDE.
Ang PNP ay patuloy na magbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan na may pangarap na makapagtapos ng kanilang pag aaral.
Ang buong hanay ng kapulisan ng Oas Municipal Police Station ay taos pusong bumabati na Maligayang araw ng iyong Pagtatapos dalangin nila ang iyong tagumpay para sa iyong pangarap sa buhay at sa iyong buong pamilya ay iyong makamtan..