Nasungkit ng isang 15-anyos na estudyanteng Si Angel Nicole Iniego mula sa Lunsod ng Cauayan ang Gold medal award sa ginanap na International Young Inventors’ Challenge 2021.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Angel Nicole Inego, sinabi niya tinawag ang kanilang grupo bilang Team NXMinerva kung saan siya ang Team Leader at kasama nito sina Brenda Lhyn Padron (Software programmer), Kirsten Crucillo Criten (micro-controller), Sophia Dasalla at Arianne Cedron (Scriptwriter).
Ang nasabing mga estudyante ay pawang mga grade 9 at grade 10 student ng Philippine Science High School Cagayan Valley Campus.
Aniya, ang nasabing kompetisyon ay binuo ng Malaysia kung saan maaaring sumali ang mga 13-17 anyos na estudyante.
Ayon pa kay Iniego, umabot sa 352 mula s apitong bansa ang lumahok sa nasabing kompetisyon kung saan 66 lamang silang napili para sa second phase.
Kinakailangan umano nilang gumawa ng video sa second phase tungkol sa kanilang project na isang micro controller para sa secured at sustainable computer unit kung saan nakabase ito sa research ng kanilang Alumni.
Mayroon umano itong data base kung saan mare-record kung sino ang mga nag log-in sa isang computer.
Matagumpay na nagawa ng nasabing mga estudyante ang video dahilan upang mapabilang ang mga ito sa 3rd phase kung saan 20 na lamang ang natitirang kalahok hanggang sa masungkit na ng mga ito ang gold award.
Dagdag pa ni Iniego, marami umanong entries ang mula sa Pilipinas ngunit ang kanilang grupo lamang ang pinalad na masungkit ang Gold award.
Labis naman ang pasasalamat nito sa kanilang mga coaches, magulang at paaralan na sumuporta sa kanilang kompetisyon.
Hinikayat naman nito ang kapwa niya estudyante na huwag hayaang maapektuhan ng nararanasang pandemya ang pagkamit ng kanilang pangarap at huwag limitahan ang abilidad ng isang estudyante sa murang edad.