Lalaki, patay matapos malunod sa ilog sa Talao-talao, Lucena City

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki matapos umano nitong malunod sa ilog sa Barangay Talao-Talao, Lucena City.

Ayon sa report, bandang alas-7:00 ng umaga nitong Mayo 27 nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Archie Miguel, 22-anyos.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Napag-alaman na hapon noong Mayo 26, naglangoy umano sa ilog ang biktima kasama ang kaniyang mga kapitbahay nang lumubog ito dahil sa malakas na alon ng tubig.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala, dinala na sa punerarya ang labi ni Archie na posible umanong biktima rin ng bagyong Aghon.