NAGA CITY- Nadakip ang isa , habang napatay naman ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camarines Sur.
Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office naging matagumpay ang ikinasang entrapment operation laban sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), sa grupo na pamumunuan ni “Ka Gabriel” para sa krimeng pangingikil.
Ang rebeldeng nadakip ay kinilalang si alyas “James”, 23 taong gulang, samantalang ang namatay ay may alyas na “Syrin” na parehong taga-Camarines Sur.
Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang mga sumusunod: isang (1) kalibre 38 revolver; isang (1) kalibre 45 pistol; fragmentation hand grenade; dalawang (2) magasin ng kalibre 45 pistol; dalawang (2) piraso ng basyo ng bala ng kalibre 45; apat (4) pirasong basyo ng bala ng kalibre 9mm; at isang (1) brown leather holster.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kasama ang: Camarines Sur 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC); 501st Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB); 95th Special Action Company, 9th Special Action Battalion, Special Action Force; at Pamplona PNP katuwang ang 95th Military Intelligence Company, 9th Infantry Battalion bandang 12:20 ng hapon nitong ika-24 ng Hulyo 2024 sa Brgy. Batang, Pamplona, na nag resulta sa pagkakahuli ng isang lalaki at pagkakapatay ng kasamahan nito sa nasabing operasyon.
Ayon pa sa PNP mas paiigtingin ang operasyon kontra sa mga illegal na gawain katuwang ang komunidad.