Ex-spox Harry Roque, isisiwalat na ang mga protektor ng POGO sa susunod na Senate hearing

Tiniyak ni Former presidential spokesperson Harry Roque na isisiwalat niya ang mga protektor ng POGO sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senado sa susunod na linggo.

Ayon kay Roque, kailangang malaman ng publiko kung sino talaga ang may hawak at may kapangyarihan sa POGO sa Pilipinas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa niya, willing siyang humarap sa pagdinig nang walang imbitasyon.

Nais niya raw itong gawin dahil palagay niya ay aakusahan siya ni PAGCOR chairman and chief executive officer Alejandro Tengco na nagpa-facilitate ng ilegal na POGO.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa huli, sinabi ni Roque na naniniwala siyang alam niya kung sino ang tunay na ‘ king and queen of POGO.’

Matatandaang noong July 10, ibinunyag ni Tengco na tinulungan ni Roque ang ni-raid na POGO sa Porac Pampanga na mag-reapply ng lisensya.