Tinanggap na ni Enrique Manalo ang alok na magiging susunod na kalihim ng Department of Foreign Affairs.
Nanumpa na si Manalo kay President Bongbong Marcos pagkalapag nito sa bansa ngayong araw.
Si Manalo ay isang career diplomat at dati na ring naging acting DFA secretary noong 2017 nang ma-reject nong na-reject si Perfecto Yasay ng Commission on Appointments.
Naging Foreign Affairs Undersecreary for Policy na rin ito sa ilalim nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal-Arroyo.
Matagal na rin itong naging premanent representative to the United Nations sa New York.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin napapangalan ang iba pang mga key-officials na kukumpleto sa Gabinete ni Marcos.
Kabilang na rito ay ang mga kalihim ng Department of Energy, Health, Housing.
Sa hiwalay na pahayag mula sa DoH, kasalukuyan pa rin silang naghihintay sa pormal na anunsyo mula kay Executive Secretary Vic Rodriguez.
#