Inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Dong Gonzales Jr. ang isang panukala na layong magkaroon ng Charter Change sa bansa.
Sa ilalim ng Resolution of Both Houses No. 1, pina-aamyendahan ang konstitusyon para magkaroon ng limang-taong termino ang kasalukuyang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Nakasaad din sa panukala na maaaring ma-reelect ang isang Pangulo at Vice President pagkatapos ng kanyang 5-year-term.
Sa kasalukuyang batas – itinatakda ng 1987 Constitution na maaari lamang umupo ang Pangulo at Pangalawang Pangulo nang hanggang sa anim na taon, at hindi na pinapayagan ang reelection para sa Chief Executive, habang sa VP naman ay maaaring tumakbo ulit.
Nilalayon din ng panukala na magkaroon na ng tandem voting.
Ibig-sabihin, kung ngayon ay magkahiwalay na ibinoboto ang pangulo at VP – sa oras na maisabatas ang panukala ay magkasama na sila sa iisang boto.
Para nman sa mga Kongresista – magkakaroon din ito ng 5-year-term with one re-election.
Sa kasalukuyang batas, mayroon lamang hanggang 2 reelection na mayroong 3-year-terms sa mga HoR solons at local officials.
#