Isa binawian ng buhay voting precinct sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Sa hindi inaasahang pagkakataon sa voting precinct nabawi ang buhay ng isang 31-anyps na binata sa Baao, Camarines Sur.

Sa ulat ng Baao MPS nangyari ito bandang alas 8:30 ng umaga sa  Polling Precinct sa Buluang Elementary School bigla na lamang nawalan ng malay ang lalaki.  Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Vincent Paz, sinabi nitong nirespondehan  ng mga naka standby na rescue team ang pangyayari, dinala sa ospital ang biktima pero hindi na nakaligtas pa. Ayon kay Paz, napag-alaman nilang dati nang may dinaramdam ang binata. . Cardiac arrest ang ikinasawi nito ayon sa doctor.

Samantala, mapayapa ang inisyal na assessment ng Camarines Sur Police Provincial Office sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PMAJ. Maria Victoria Abalaing ito ay sa kabila ng maiulat na umano’y vote buying sa San Vicente , Bato Camarines Sur. Sa Oplan Kontra Bigay o implementasyon ng COMELEC Resolution 10946, naaktuhan ang pamimigay papelitos o campaign materials at cash. Mayroon ding nairecord na umano’y grave threat na may koneksyon sa halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *