Hindi na maitago ng manager ni Liza Soberano na si James Reid ang excitement nito sa hollywood debut ni Liza.
Ito’y pinamagatang Lisa Frankenstein – isang horror-romantic-comedy movie.
Ang role ni Liza rito ay si Taffy, stepsister ni Lisa na pinagbibidahan naman ng aktres na si Kathryn Newton.
Inanunsiyo ng American film production company na nakatakda na itong ilabas sa sinehan February 9, 2024.
Ayon kay James, matagal na nilang hinihintay ang pagkakataon na maipalabas na sa Amerika ang first ever holywood production ni Liza.
