LEGAZPI CITY – Nakitaan ng pagtaas ng bilang ang mga taong maysakit sa pag-iisip sa lalawigan ng Albay ayon mismo sa Mental Health Program ng Albay Provincial Health Office (PHO).
Dahil sa pagtaas ng kaso ng mga taong may mental health disorders sa lalawigan, nagpulong ang ilang sangay ng Pamahalaang Panlalawigan kaugnay sa nasabing isyu.
Pinangunahan ito ng Albay PHO katuwang ang Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) kasama ang ilang mga concerned offices ng Pamahalaang Panlunsod ng Legazpi upang pormal na pag-usapan kung paano masosolusyunan ang nasabing problema.
Nabanggit sa pagtitipon ang tamang disposisyon at pangangalaga sa mga taong may problema sa pag-iisip, lalo pa kung may mga espesyal at kaukulang health issues.