IRR ng Department of Migrant Workers, aprub na

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementing rules and regulations o IRR na inirekumenda ng transition committee para sa bagong tatag na ahensya, ang Department of Migrant Workers.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Overseas Employment Administration Administrator Bernard Olalia sa #LagingHanda Press Briefing.

(PNA PHOTO)

Ayon sa opisyal, mahalaga raw na nalagdaan na ng Pangulo ang bersyon ng IRR ng transition committee dahil ito ang magsisilbing ‘backbone’ para sa pagtatatag sa Kagawaran.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sakop aniya nito ang magiging istruktura, operaasyon, at mga mekanismo ng DMW para magampanan ang tungkulin nito na matulungan ang ating mga kababayang overseas Filipino workers.

Giit ni Olalia, sa pamamagitan nito ay mapo-proteksyunan ang kapakanan ng mga OFWs – na itinuturing aniyang mga bagong bayani ng ating bansa.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Hindi na rin kakailanganin pang lumuwas sa Maynila para maproseso ang requirements ng mga ito bago ang kanilang deployment lalo na kung malayo pa ang kanilang pangagalingan.

Matatandaang mayroong dalawang IRR na isinumite sa Palasyo – isa mula sa transition committee, at ang isa naman ay galing sa Kalihim ng DMW na si Secretary Abdullah Mama-o.
#