Iriga Vax express nakapagbakuna ng mahigit 6-libo sa loob ng dalawang araw

NAGA CITY – Nabakunahan ang mahigit anim na libong indibidwal sa lungsod ng Iriga sa ginawang dalawang araw na Iriga Vax Express na pinangunahan ng mga medical team na dala ni Vice President Leni Robredo at katulong na nagpatupad ay ang mga volunteers din galing sa City government ng Iriga .

Sa dalawang araw na vaccination na ginawa sa tatlong venue sa Iriga City Gymnasium, Sagrada covered court at Barangay San Isidro, naturukan ang mga residente ng upper barangay ng lungsod  na kabilang sa mga kategoriya ng A1, o ng mga frontliners, A2-mga senior citizens at ng A3 o iyong mga may comorbidities.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Glenda Dasco, nasa technical working group ng Iriga Vax Express, sinabi nito na halos nakuha nila ang target na populasyon o bilang sa bawat kategoriya.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Very cooperative anya ang mga mamamayan kaya madali nilang natapos ang bakunahan sa mga upper barangay.

Ang vaccination program na ito ng office of the vice president ay posibleng bumalik sa Naga City sa susunod na linggo, ginawa na rin sa Maynila at sa Quezon