Iranian national kulong sa Germany dahil sa planong terror attack

Ikinulong ng German police ang isang Iranian national dahil sa planong terror attack.

Sinabi ng pulisya na ang 32-taong-gulang na lalaki ay pinaniniwalaang nakakuha ng toxins cyanide at ricin bilang paghahanda sa isang “Islamist-motivated attack.”

Napigil ang suspek kasunod ng imbestigasyon ng North Rhine-Westphalia Central Office for the Prosecution of Terrorism.

Nakuha ng pulisya ang mga materyales sa ginawang search sa tahanan ng suspek sa lungsod ng Castrop-Rauxel.

May isa pang indibidwal ang hawak ngayon ng pulisya at patuloy na iniimbestigahan.//CA