Ipinasarang POGO-related clinic sa Pasay – posible sangkot sa pagpapalaglag

Naalarma ang Bureau of Immigration (BI) sa posibleng mga illegal activities ng isang clinic na na ni-raid sa Pasay City dahil sa umano’y ugnayan nito sa POGO.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum – sinabi ni Immigration spokespereson Dana Sandoval na ‘di umano’y posibleng sangkot ito sa mga abortion practives.

Sa harap, mukha raw itong isang wellness clinic, pero sa likod na nangyayari ang mga iligal na aktibidad.

Matatandaang sa isinagawang raid ng BI at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission kamakalawa – narekober ang ilang mga medical equipment at paraphernalia, kabilang na agn mga pang-hemodialysis.

Bago pa ang raid, nalamang walang permit sa LGU ang clinic.

Hindi rin umanodokumentado’t walang visa ang mga nagta-trabaho rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *