Daan-daang trabaho, naghihintay para sa mga Pilipino sa Austria

Panibagong oportunidad ng trabaho ang nag aantay sa mga Pilipino sa Austria.

Kasunod ito ng paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan nina Department of Migrant Workers o DMW OIC Hans Leo Cacdac at ng State Secretary ng Austrian Federal Ministry for Labor and Economy Susanne Kraus-Winkler.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Laman ng kasunduan ang recruitment ng mga Filipino professionals at skilled workers sa larangan ng healthcare, information technology, tourism, at hospitality sectors.

Nasa 500 Filipino ang idedeploy sa Austria taon-taon para mapunan ang 75,000 hanggang 200,000 job openings na demand ng naturang bansa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang Pilipinas ang unang bansa na kasama ng Austria sa isang MOU na sumasaklaw sa recruitment at vocational training.

Tinitiyak din ng kasunduan na palalakasin ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga migranteng manggagawang Pilipino, habang sila ay sumasailalim sa skills assessment, education at equivalence training.