Nagbabala ang rice watch group na maaring tumaas ang presyo ng bigas sa Oktubre dahil sa mababang agricultural output, na dahil umano sa mabagal na pagpapalabas ng government assistance sa mga magsasaka.
Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, na namonitor nila ang P1 hanggang P2 na increase sa kada kilo ng regular-milled rice, tatlong linggo ang nakakaraan.

Kaugnay nito, maaring magbayad ang mga consumers ng P3 hanggang P4 bawat kilo sa susunod na buwan.
Giit ni Estavillo, maari namang mapigilan ang inaasahang price hike, kung gagawa ng agarang aksyon ang gobyerno. kabilang na ang pagpapabilis sa disbursement ng cash aid sa mga magsasaka ng palay.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM), na nagpalabas sila ng P8 billion para sa distribution ng cash subsidies sa mga magsasaka, kabilang na sa pondo ang P3 billion na Rice Farmers’ Financial Assistance program, pero hindi pa umano ito nakakarating sa mga benepisyaryo.