Interior Sec. Abalos, hinimok ang MMDA na dagdagan ang multa para sa jaywalking violations sa kahabaan ng EDSA at C-5

Nais ngayon ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na madagdagan ang ipapataw na multa para sa jaywalking violations sa kahabaan ng EDSA at C-5.

Ito’y matapos niyang mapansin ang serye ng aksidente sa mga nabanggit na lugar.

Ayon naman kay MMDA chairperson Romando Artes, napag-usapan na ang proposal na ito ng DILG chief sa Metropolitan Manila Council meeting kahapon.

Sa kasalukuyan, ang multa sa jaywalking ay P500, ngunit ikinokonsidera umano nilang itaas ito sa P1,000 at seminar.

Hinimok ng DILG chief ang MMDA at concerned local government units (LGUs) na pag-aralan ang kanyang suhestyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *