Tatlong Pakistani national na konektado sa isang local terrorist group, naaresto ng BI sa Mindanao

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang tatlong Pakistani national na umano ay kunektado sa isang local terrorist group sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa BI, unang nahuli si Faizan Muhammad alias Faizan Khan sa Barangay Pinig Libano, Dumalinao, Zamboanga del Sur noong Martes.

Inaresto siya sa reklamo ng isang Filipina na pinagbantaan umanong papatayin ng dayuhan na nagpakilalang suportado ng mga terorista.

Walang maipakitang pasaporte ang nasabing dayuhan nang mahuli pero m,ayroon siyang ipinresentang Philippine National ID.

Naaresto naman sa follow up operation ang kasama nitong Pakistani rin na si Ali Wahab sa bahagi ng Balabagan, Lanao del Sur kung saan kasama niya ang kanyang kababayan na si Ajmal Ali na kapwa overstaying at undocumented

Napag-alaman ng BI na may report na rin laban kay Ali na nagsasabing siya ang supplier ng mga gamit ng isang local extremist group sa Central Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *