Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople na ginagawa pa ang mga arrangements kaugnay sa mga unpaid salaries ng ilang 10,000 overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.
Ayon kay Ople, pupunta sana siya sa naturang bansa noong December ng nakaraang taon, pero humiling umao ang mga opisyal ng Saudi Arabia ng mas mahabang panahon para i-arrange ang visit.
Kaugnay nito, umaasa ang naturang opisyal na makukuha ang itinerary para sa Saudi Arabia trip ngayong linggo.
Samantala, hindi naman nagbigay si Ople ng mga detalye nang matanong kung papaanu makukuha ng mga kababayan ang naturang sahod at kung may timeline ang DMW kaugnay sa release nito.
Matatandaan na nangako ang Saudi Arabia na maglalaan ng dalawang bilyong riyals para sa unpaid salaries ng ilang mga overseas Filipinos na employed ng mga construction companies na nagdeklara ng bankruptcy.
