Inflation Rate sa Bicol Region sa buwan ng Mayo 2022 tumaas – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippines Statistics Auhtority (PSA) Bicol na mas lalo pa umano tumataas ang Inflation Rate sa Bicol Region sa buwan ng Mayo.

Ayon sa tanggapan, pinakamataas na nagkaroon ng inflation rate ay ang transport na umaabot sa 8.1%, sinundan ito ng housing, water, electricity, gas and other fuels na aabot sa 6.9%.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nasa 4.5% ang Food and Non Alcoholic Beverages habang 4.6% naman sa Alcoholic Beverages and Tobaco at Clothing and Footwear.

Walang paggalaw o pagtaas sa inflation rate pagdating sa Financial Services nitong nakaraang buwan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang pagtaas ng inflation sa rehiyon ay maaaring may kinalaman umano ito sa nangyayaring gyera sa Ukraine at Russina kung saan tumitindi na ang presyo ng bilihin sa gasolina, hindi lamang ang bansa ang nagkakaroon ng pagtaas maging ang karating na bansa o pangkalahatan ay nararanasan din ng mga ito.