Mga papasok na karneng baboy sa Albay papayagan kung ito nasa ilalim ng katergoryang pink zone- Albay Provincial Vet Office

LEGAZPI CITY – Nananatiling mahigpit pa rin ang Albay Provincial Veterinary Office sa pagbabantay ng mga alagang baboy na pumapasok sa border control point sa lalawigan ng Albay laban sa sakit na African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dr. Pancho Mella, ang head ng nasabing opisina, papayagan na pumasok ang mga produkto ng karneng baboy kung ito ay nasa ilalim ng kategoryang pink zone.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, hindi lahat ng karneng baboy ay maaaring makapasok sa nasabing lalalwigan dahil sa mayroong sinusunod na executive order at ordinansa tungkol sa Prevention and Control sa ASF.

Karamihan ngayon sa lalawigan ay nasa ilalim ito ng kategoryang Pink zone o buffer zone, kung kayat makakapasok lamang ng meat products na mula sa labas ng rehiyon o karatig na lalawigan kung ito ay nasa pink zone o green zone.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sinabi ng opisyal, na hindi pa rin inaalis ng Pamahalaan Panlalawigan ng Albay ang border control point sa boundary ng Camarines Sur at Albay upang matiyak na ligtas ang mga karneng baboy at maiwasan na makapasok ang ASF sa Albay.

Kung matatandaan, agad nagpatupad ng border control point ang lalalwigan at pagban ng karneng baboy matapos makapagtala ng kauna unahang sakit na ASF ang bayan Bonbon Camarines Sur.