LEGAZPI CITY -Hinahangad rin ng Civil Service Commission (CSC) Bicol na magkaroon na ng Computerized Examination (Comex) sa Bicol Region upang mabilis na malaman ang resulta sa examinasyon.
Ayon kay Regional Director Daisy Bragais Punzalan, ng nasabing tanggapan, hindi lang plano nito kundi nais din nila na magkaroon talaga ng comex ang rehiyon.
Aniya, inaayos na rin ito nang Central Office ang programa upang masimulan na rin ito sa rehiyon Ang Civil Service Commission Computerized Examination (CSC-COMEX ay isang sistema na mag-o-automate at magsasama-sama sa bawat hakbang sa pangangasiwa ng computerized na pagsusulit, na ginagawang mas mabilis, mas madali, at higit pa ang buong proseso nito kung saan agad rin malalaman ang resulta sa araw mismo ng examinasyon.
Hindi na rin kailangan pang paghintayin ang examinee nang ilang buwan bago malaman ang resulta kung papasa o babagsak sa examination.
Dagdag pa nito may kamahalan rin ang comex para sa examinasyon na umaabot sa P680 habang nasa P500 lamang ang Pen and Paper test examination.
Nilinaw nito tanging ang Region 2, Region 4, NCR at Mindanao lamang ang mayroon ng CSC Comex.
Sinabi ng opisyal, sa ngayon ay hindi pa nasosolusyunan ang problema sa comex kung kayat hindi pa ito nagkakaroon sa rehiyon.
Dahil dito matatagalan pa rin na magkaroon ng comex ang Bicol Region.