Pag-iwas sa prolong exposure sa matataong lugar, makatutulong sa pagbaba ng posibilidad na mahawaan ng COVID-19

Iwasan ang prolong exposure sa matataong lugar, tamang pagsusuot ng facemask, regular na paghuhugas ng kamay, pag-obserba ng physical distancing at good ventilation ang ilan lamang sa mga pangunahing paraan upang mapapaba ang risk na mahawaan ng COVID-19.

Ito ang ilan sa ibinahaging payo ni Dr. JC Valencia, ang infectious specialist ng Cagayan Valley Medical Center kasunod na rin ng banta ng nakakahawang delta variant ng COVID.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ayon sa paliwanag ni Dr. Valencia, ang mahigpit na pagsunod sa minimum health standards ang isa sa mabisang paraan upang mapababa ang risk na mahawaan at makapanghawa.

Aniya, mataas ang posibilidad na magkaroon ng transmission ng virus sa prolong exposure lalo na kung hindi pa tama ang pagsusuot ng facemask.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Hangga’t maari aniya ay limitahan ang mahabang interaksyon sa tao at laging obserbahan ang physical distancing.

Kailangan din umano na maging maingat ngayon upang maproteksyunan ang sarili lalo pa’t nananatiling nasa high risk classification ang rehiyon.