India, nagtala ng bagong 4,529 na COVID-19 related deaths sa loob ng isang araw

Naiulat ng India ang bagong 4,529 na bagong fatalities nitong Miyerkules.

Nagsisilbi ito bilang pinakamataas na fatalities na naitala ng naturang bansa sa loob ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya.

Dahil diyan ay pumalo na sa 283,248 ang death toll ng India sa COVID-19.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Naitala naman ng India ang panibagong 267,334 na bagong kaso ng COVID-19.

Ito na ang ikatlo sa magkakasunod na araw na nagtala ang India ng mga kaso na mas mababa sa 300,000 sa gitna ng second wave ng infections.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Sa ngayon ay pumalo na sa mahigit 25.4-million ang kabuoang bilang ng mga kaso sa India.

Mababatid na nasa mahigit 185.7-million vaccine doses na ang na-administer sa India, kabilang na ang mahigit 1.2-million shots na naitala noong Martes.