Go isinulong ang crackdown vs fake bookings sa mga food delivery riders

Kinilala ni Sen. Christopher Bong Go ang ginagampanang papel ng mga food delivery riders ngayong nahaharap ang bansa sa pandemic.

Dahil dito kung kaya’t tiniyak ni Go na kasama ang mga delivery riders sa mga prayuridad na agad mabigyan ng bakuna sa Vaccination program ng pamahalaan.

Inihayag ng Senador na maituturing na economic frontliners ang mga delivery riders na araw-araw nagtatrabaho para buhayin ang kanilang pamilya at ang ating ekonomiya.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Dagdag pa ni Go na bukod sa mabilis na paraang makabili ng pagkain, nagbibigay din ang industriyang ito ng maayos na kabuhayan sa ating mga kababayan sa ligtas at marangal na paraan.

Pagdating naman sa mga manloloko na nagpapahirap umano sa buhay ng mga food delivery riders sinabi ni Go na nakipag-ugnayan na siya sa National Bureau of Investigation at iba pang mga law enforcement unit para magkaroon ng crack down sa mga fake bookings at mga abusadong kustomer.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Umapela din si Go sa mga nambibiktima sa mga riders itigil na ang ganitong gawain bagkus ay tumulong na lamang sa kapwa Filipino na labis nang nahihirapan ngayong pandemic.