Nagkukumahog ngayon ang India sa paglaban sa 3rd wave ng COVID-19 sa kanilang pinakamalaki at capital city na Delhi.
Kasunod ito ng pagkakatala ng 58,097 na mga bagong kaso na pinalala ng Omicron variant.

Ayon sa report, 1/3 ng nasabing mga bagong infections ang mula sa Delhi at Mumbai na dahilan ng pagbabalik ng curfew sa mga nasabing lungsod.
Sinabi ni Vaccine Task Force head Dr. NK Arora na nararanasan ngayon ang 3rd wave sa India na pinalala ng Omicron variant kung saan base sa report ni Delhi Health Minister Satyendar Jain na 81% ng mga na-test ay positibo sa Omicron.
Ang Delhi ay kabilang sa mga pinakamatinding tinamaan ng pandemya kung saan ay nagkakaubusan ng hospital beds at life-saving oxygen.