Naniniwala ang Incident Management Team (IMT) na nakapasok na ang Omicron Variant ng COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay IMT Commander Dr. Dean Palanca, bagaman hindi pa nadedetech ay hindi malabong mayroon nang kaso ng omicron variant sa lungsod dahil marami nang nakauwing travellers na nagmula sa NCR na may mga una nang napauat ng kaso ng bagong virus.
Dahil dito ilan sa ginagawang paghihigpit ngayon ng IMT ay binalik ang requirement para sa lahat ng travellers na magpakita ng negative RT-PCR test para sa mga hindi bakunado at antigen test sa mga fully vaccinated individuals.
Patuloy ang panawagan na magpabakuna na kontra COVID-19 para sa mga hindi pa rin bakunado.