Incumbent Punong Barangay sa Lagonoy, Camarines Sur arestado matapos makuhanan ng nasa P170k halaga ng shabu

NAGA CITY—Arestado ang Incumbent Punong Barangay ng Dahat, Lagonoy  Camarines Sur matapos mahulihan ng iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si Barangay Captain Chiz  Navea y Hanapin, 52 anyos, may asawa at itinuturing bilang number 3 sa Municipal Drug Watch List ng PNP.

Ayon kay PLT Jaime Enciso, DCOP ng Lagonoy MPS pasado alas-10:00 ng gabi nitong lunes nang isilbi sa bahay ng opisyal ng Barangay ang Search Warrant na ipinalabas sa sala ni Hon. Ma. Angela Accompañado-Arroyo, Executive Judge ng RTC San Jose, Camarines Sur para sa kasong may kaugnayan sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business
Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa paghahaloghog ng mga operatiba, narekober ang limang pakete ng shabu na may tinatayang halaga na aabot sa P170,000.

Isinagawa ang operasyon sa pinag-isang pwersa ng PDEA Masbate, PDEA Camarines Sur, PDEA ROV/RSET, Lagonoy MPS MDEU at Camarines Sur PMFC.

Bunsod nito mahaharap ang suspek sa kasong Illegal Drugs.