Ina at kapatid ni “Bikoy” nagpalabas ng isang open letter

LEGAZPI-Hanggang ngayon umano ay di pa makapaniwala ang kapatid at ina ni Joemel Admincula alyas Bikoy sa karumal dumal na krimen na umanoy kinasangkutan ng kanilang kapamilya.

Sa pinadalang open letter ng nakababatang kapatid ni Bikoy, hindi ito makapaniwala na magagawa nito ang nasabing krimen.

Ayon dito, malapit at isang tunay na pamilya ang turingan nila sa kanyang tita na si Helen Garay Advincula, isa sa pinatay na tatakbo sa pagkabise alkalde sa bayan ng Donsol Sorsogon na natagpuang patay sa isang ukay-ukay store sa busay Daraga.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Salaysay nito na bago naganap ang insidente, gabi ng nawala ang mga biktima kasama ang kanyang kapatid, nag alala na sila dahil hindi nila ito makontak hanggang sa nabigla na lamang na may pumuntang pulis kinaumagahan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aminado rin ito na na hindi pa rin natatapos ang mga natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.

Sa ngayon, nagbigay rin ito ng pakikiramay sa mga kapamilya ng mga pinatay at maging sila umanong nalulungkot sa nasabing krimen.

Sa huling mensahe nito, humiling ito ng HUSTISYA at DASAL at huwag muna umanong magbigay ng konklusyon at hayaan ang korte sa isasagawang imbistigasyon.