CAMARINES NORTE- Umapela ang Provincial IMT sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutukan ang implementasyon ng pinaiiral na COVID-19 protocols sa Camarines Norte
Ayon kay Acting Provincial Health Officer/ Incident Commander For Health, Dr. Arnel Francisco, Malaki ang maiaambag dito ng LGUs partikular na ang mga barangay officials.
Kapuna-puna aniya ang mga bata at senior citizens na lumalabas ng kanilang mga tahanan.
Napansin din anya nila na sa mismong Barangay Hall ay may nakapaskil na “BAWAL PUMASOK ANG WALANG FACEMASK”. Maaari aniyang sa pagkaunawa ng ilan, obligado lamang silang magsuot ng facemask kung papasok sa kanilang barangay hall.
Pakiusap ni Dr. Francisco, tulungan na ang PHO, MHOs at mga LGUs, dahil sa kaya nga may tinatawag na INTER-AGENCY o pinagsamang puwersa ng iba’t-ibang tanggapan para sa implementasyon ng mga batas kontra COVID-19.
Muling apela nito, Sa panahong ito lahat ay may responsibilidad na pangalagaan hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi pati na ang buhay ng kanilang kapwa.

