IMT-Catanduanes, pinaalalahanan ang mga LSI, APOR at ROF na unahin muna ang pag rehistro sa s-pass system bago magpa test at bumiyahe patungo sa islang lalawigan

BICOL— Pinaalalahanan ng Catanduanes Incident Management Team ang lahat ng mga APOR at mga LSI na nagpa-planong umuwi sa islang lalawigan na mag rehistro muna sa S-Pass system na pinaiiral hanggang ngayon sa probinsya bago magpa test, mag book ng flight at bumiyahe papunta ng Catanduanes.

Ayon sa IMT, maaari kasing masayang ang gagastusing pera ng mga ito para sa mga documentary requirements at pagpapa test kung kalaunan ay hindi naman maaaprubahan ang S-Pass application.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Abiso pa ng IMT, kung sakaling maaprubahan ang S-Pass application saka na lamang i-upload ang negatibong resulta ng COVID-19 test ngunit bago ito ay kinakailangan munang isumite ang ilang mga kaukulang dokumento.

Para sa mga APOR na government at non-government employee, kinakailangang mag presenta ng Company ID at Travel Order with Itinerary.

Para naman sa mga LSI o mga returning residents na mula sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ areas, kailangang ma i-presenta ang anumang government issued ID na naka address sa Catanduanes bilang patunay na kayo ay residente ng lalawigan habang Bureau of Quarantine Certification, Government ID at negative swab test result ang kailangang maipakita ng mga Returning Overseas Filipino Workers o ROF.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Para sa iba pang mga katanungan, mangyaring makipag ugnayan lamang sa official facebook page ng IMT-Catanduanes.###