‘Improper grading practices’ ng isang pamantasan – pinaiimbestigahan sa Senado

Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng agarang aksyon sa reklamo ng mga mga mag-aaral ng civil engineering sa University of Manila (UM) na hindi nakuhang makapagmartsa sa itinakdang oras.

Ito ay matapos ang inirereklamong “improper”, “non-transparent” at “abusive grading practices” ng pamantasan na nagpapahirap hindi lang sa mga estudyante pero maging sa mga magulang ng mga ito.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dagdag pa ni Tulfo, mahaba haba na rin ang ibinigay na tatlumpung araw na panugit sa CHED upang mapag-aralan ang mga nakalap na ebidensya.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Kaugnay nito, sa ginanap na Committee on Higher, Technical and Vocational Education hearing, naghain na ang senador ng panukalang batas na maglalayong imbestigahan ang di umanong “abusive grading practices” sa nasabing pamantasan.