Ilang mangingisda sa Camarines Sur, umaaray narin sa taas presyo ng gasolina; ayuda, inihihirit

NAGA CITY—Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, hindi lang ang transport sector ang dumaraing kundi pati narin ang ilang mangingisda sa Camarines Sur.

Isa dito ang anak ng magsasaka at mangisngisda na si Angelo Bogayan Cano ng Barangay Sto. Niño, Sagnay.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon kay Cano, hirap ang kaniyang mga magulang maging ang kaniyang mga ka-Barangay sa paghahanap-buhay sa gitna ng dagat bunsod narin ng suliranin sa mataas na presyo ng gasolina na kailangan araw-araw upang makaandar at makapamalaot ang kanilang bangka.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kung kaya, umaapela rin silang mga nasa sektor ng agrikultura ng ayuda mula sa Pamahalaan tulad ng tulong na ibibigay sa mga nasa sektor ng transportasyon.