Importasyon ng sibuyas welcome sa DA-Bicol

NAGA CITY- Welcome sa Department of Agriculture ang importasyon ng 21,060 metrikong toneladang sibuyas.

Ito ang reaksyon ni Love Guarin, tagapagsalita ng DA Bicol nang matanong ng Brigada  News FM Naga matapos ang pagpayag ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa naturang importasyon upang mapababa ang presyo ng sibuyas sa bansa.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Sa monitoring ng ahensya sa ngayon umaabot pa sa ₱420.00 hanggang ₱500.00 ang average na presyuhan ng nasabing produkto sa Bicol.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa rehiyon patuloy ang pag-aaral sa posibilidad ng pagkakaroon ng malawak na taniman ng sibuyas.  Ayon kay Guarin, 2021 nang magsagawa ng trial pero nabubulok ang ugat. Mas marami kasi ang panahon na maulan.