NAGA CITY – Mahigit 650 nang indibidwal sa bayan ng Canaman, Camarines Sur, ang nakinabang na sa nagpapatuloy na Medical Mission ng Provincial Government ng Camarines Sur.
Kung saan libre silang nabigyan ng mga gamot at mga bitamina at check- up sa lahat ng edad.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Froilan Altamarino, Municipal Risk Reduction and Management Officer ng bayan, sinabi nitong naging prayoridad ng nasabing programa ang apat na Coastal Island Barangay sa bayan dahil nga sa malayo ito sa kasentruhan, na-una na ang tatlo ang Barangay Palo, San Jaun, at San Nicolas, ngayong araw naman gaganapin sa Barangay Igin at huling araw ng naturang Medical Mission.
Tiniyak ng MDRRM ang kaligtasan ang medical team at kanilang mga dala.