Immigration firm sa Mandaluyong, ipinasara ng DMW dahil sa illegal recruitment

Bitbit ang closure order, ipinasara ng Department of Migrant Workers ang isang Immigration consultancy firm sa Mandaluyong City na sangkot umano sa illegal recruitment.

Sa pangunguna ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, isinara ang consultancy firm na nambibiktima ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa Canada.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ayon kay Cacdac, nag-ugat ang kanilang operasyon sa kanilang walong beses na surveillance na naningil ng P110, 000 na professional fee ang kompanya.

Aniya, bawal ang panghihingi ng placement fee at labag ito sa batas.

Wala rin umanong lisensya mula sa DMW ang kompanya na nagsasagawa job matching sa Canada kung saan iba’t ibang trabaho ang alok sa pamamagitan ng social media post.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Depensa naman ng kompanya, hindi OFW ang kliyente nila at permanent residency ang alok nila sa Canada.

Sasampahan ng reklamo sa Department of Justice ang naturang kompanya.