Halos 5 sa bawat sampung Pilipino, itinuturo ang sariling mahirap -SWS

Bahagyag nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabi na sila ay mahirap sa pagtatapos ng 2023.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) – lumabas na 46% ng mga Pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Katumbas ito ng nasa 12.9million Filipino families.

Mas mababa ito, mula sa 47% na naitala sa huling survey ng SWS.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

33% naman ang nagsabing sial ay ‘borderline poor’; habang 23% naman ang nagsaasabing hindi sila mahirap.

Kung maaalala, sa naunang survey ng OCTA Research – pareho ring bumaba ang ‘self-rated poverty’.