Imee Marcos, agaw-eksena sa suot na Filipiñana sa inagurasyon ng kapatid

Agaw-eksena si Senator Imee Marcos sa kanyang suot na kulay asul na Filipiñana sa ginanap ng inagurasyon ng kapatid niyang si President Ferdinand Marcos Jr.

Sa Instagram post ng senadora, sinabi niya na ang eye-catching accessories katulad ng lockets, chains at pendants ay bigay pa umano ng kanyang amang si dating President Ferdinand Marcos Sr.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ang naturang gown ay gawa ng fashion designer na si Rem Divino na sariling disenyo mismo ni Imee.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Samantala, maging ang kanyang face mask ay agaw-pansin din kung saan nakadagdag atraksyon ang mga gold designs nito. (ARGIE ERGINA)