Pang-12 na mamamahayag, binaril sa Mexico

Isa na mang mamamahayag ang binaril sa bansang Mexico kung saan ito na umano ang ika-12 pinatay sa hanay ng media doon.

Si Antonio de la Cruz ay nagtatrabaho sa Expreso newspaper kung saan madalas niya umanong tinutuligsa ang korapsyon ng mga politiko sa kanyang social media posts.

Nasugatan din ang kanyang asawa at anak sa bahay nito sa Ciudad Victoria kung saan tinambangan si De la Cruz habang papasok sa trabaho.

Samantala, sinabi ni State Governor Francisco Cabeza de Vaca na ginagawa ng mga doktor ang lahat para masalba ang anak ng nasabing namatay na Journalist. (ARGIE ERGINA)